iObliterate

If you are here then there's somethings wrong with you…. FIX IT! Ang germs di binibaby.. PINAPATAY! OBLITERATE THEM ALL!

Archive for the month “August, 2012”

BAWAL ANG PLASTIK – Sagot sa problema sa basura?

Image

Bawal na ang Plastic sa ibang mga lugar. So bibili ako nang 3 2ltr na Coke sa Robinsons at sa Paper Bag  ilalagay (musta naman). Or Order ka ng Meal sa Mcdo, take out, tapos ang basang Baso ng softdrinks mo sa paper bag ilalagay. Deym. Butas. Pang bobo.

Image

Una: Aba madaming nasisiyahan dahil nga naman ang gobyerno gumagawa ng ng paraan para makatulong sa ENVIRONMENT. So maghanda na ang mga MAMUMUTOL ng Puno (LOGGERS)! Pagkat ang papel ay magiging IN-DEMAND! Dahil ito ang nakakatulong sa ENVIRONMENT!

Image

Pangalawa: Ang iba tuwang-tuwa dahil new experience daw. ehe Dahil dati nakikita lang sa TV na mga foreign films na malalaking paper bag ang gamit pag bumibili sa mga minimarts. (parang starbucks lang ah. papicture ka). NAKABABANO nga naman. Happy =).

Tama na ng pagkamit ng straw hehe. Buti di pinalitan ang Basong plastic. Imaginine mong nakalagay sa baso ng HOT CHOCO and iyong large COKE (ilang paper cups din yun ^^,. An lasa?.

Image

Pangatlo: Ayos ito! Solusyon sa paglobo ng Basura! Sa paanong paraan? Dahil wala ka nang itatapong PLASTIK! Wala ka nang makikitang plastik na BASURA! Bakit kanyo? Aba cyempre dahil PAPEL ANG ITATAPON NINYONG BAGO!ImageAno bang pinagkaiba ng Plastik sa Papel? 

Sa bagay pag ang PLASTIK tinapon mo BUMABARA. Ang papel natutunaw?

Ang plastik pag SINUNOG masama sa Environment at sa kalusugan. Ang Papel OK Lang!

So ibig sabihin GUMAMIT TAYO NG PAPEL! MAGTAPON KAYO NG BASURA!

Ganun ba iyon?

Bakit ba hindi nalang pagmultahin ang sinumang magtatapon ng basura kung saan saan?

BAWAL ANG MAGTAPON NG BASURA. ANG MAKITAANG MAGTATAPON NG BASURA SA KALYE MAG CO-COMUNITY SERVICE. PUPUNTA KAYO SA TULAY NG  SINGGALONG AT LULUBOG KAYO SA HANGGANG BAYWANG NA TUBIG PUSALI PARA MAGKALAYKAY NG BASURA NG ISANG ARAW.

ImageKagaya ng sa Marikina. Subukan mong magtapon ng kahit balat ng candy dun at siguradong makakatikim ka ng salitang di kanais-nais sa mga taga doon.

Katamaran. Napakadaling ilagay muna sa bag ang basura mo. Or Maghanap ng tamang basurahan. Kagaya na lamang sa Hagdan ng MRT AYALA. Andun lahat ang BASO ng mga HINAYUPAK na MAMAMAYANG PILIPINONG BUMILI NG SAGO SA MR. SIOMAI oh kung saan man pa man naggaling iyon ( o goburment baka makagawa kayo ng solusyon dyan, Paper Baso maybe?) pupusta ako darating ang panahon may isang senator na magpapasa ng bill dyan hehehe. Dyan sila magaling. Kung ang Planking nga eh napasa itong paper cups pa kaya? lols

ImageMga bahay na walang mga sariling Compost pit. Pwedeng hintayin ang Trak ng Basura pero hindi. Makakita lang ng bakanteng lote pwede na. Wala nang pakealam kung anong mangyari sa basurang iniwan doon. At cyempre ikaw mapapadaan ka naman sa bugkos ng basurang iyon ayus na. Tapon ka agad!

ImageKatulad ng mag taong nakatira dito. Wala na nga naitutulong na magaling ganito pa.

Nakakasurang tignan ang dagat sa Coastal na puro basura. Siguro kung napakalinis doon baka madami pang dumayo para lamang tumambay sa napakgandang dagat na iyon.

at ETO LANG ANG MASASABI KO SA INYONG LAHAT

WALA SA PLASTIK O PAPEL ANG SOLUSYON.

NASASAIYO! SA INYO! NASA DISIPLINA MO!

ImageBASURA MO. BABALIK SAYO.

MATUTO KANG MAGTAPON SA TAMANG BASURAHAN. PARA WALANG SISIHAN.

ImageImage

(Pictures are not mine. acknowledgement to the sites who had this photos)

Advertisements

Post Navigation

%d bloggers like this: